Todo Work Abroad Pero Walang Ipong Pera? Saklap nun Bes!? Bakit kaya walang IPON?

Todo Work Abroad Pero Walang Ipong Pera? Saklap nun Bes!? Bakit kaya walang IPON?

Naniniwala ba kayo guys that, “NOT ALL AROADS HAVE SAVINGS”? Oh, eh biruin mo ba naman na karamihan sa mga yan eh lagi na lang nagbabawi…nagbabawi sa pinangutangan, sa mga taong tumulong sa kanila para makapag-abroad at sa mga kamag-anak na lagi na lang nagpaparinig na ang “utang na loob” daw (na actually di naman talaga nababayaran yun kasi habang buhay pa ang taong may utang eh di pa din sila tapos magbayad, kaloka!), etc…at ito pa ang malupit, di pa nga nakakaalis patungong ibang bansa, eh kung ano ano nang habilin ng mga kakilala! Naku naman po. Dagdagan pa ng mga kapit-bahay ang panggagatong.

But why, why, why? Eh di ba kung tutuusin kaya naman nilang mag-save? Ganto lang kasi ang practical logic nyan. When someone in the family works abroad, eh ang mga naiwan ay parang laging may pa-fiesta…laging may painom na akala mo naman eh may party party sa bahay o di naman kaya ay para bang tatakbong Kapitan o Presidente ng Baranggay nila! Talaga lang huh? Ang sosyal! Kung sino pa yung di nagpakahirap magwork abroad eh sila pa tong malalakas ang loob magpakain doon at magpainom dito. Di lang kasi nila alam na bago pa maipon lahat ng mga pinapadala nila sa mga kamag-anak nila eh sang katerbang pawis at luha dahil sa sobrang lungkot muna ang pinagdaanan nila para lang may maipadala sa mga mahal nila sa buhay (yung iba nga bogbog sirado pa ang inaabot nila sa kanilang mga amo). Pero dahil gusto nilang magpakabayani sa kani-kanilang pamilya nagagawa nila lahat yun! But the truth is ayaw naman talaga nilang mawalay sa mga mahal nila sa buhay if they only have options to stay.

Advertisement

Minsan naman eh ganto ang sitwasyon, nagpapaaral nga ng anak o kamag-anak (na sunod din naman sa luho sa katawan) eh di naman matapos tapos sap ag-aaral eh since wala naming mga matang nakatingin sa anak kaya ayun, lakwatsa lang pala ang alam! Akala ng magulang o kamag-anak na nagpapakahirap sa ibang bansa eh makakasama sa pagpaso ang pinapag-aral, pero iba pala ang uuwian kung di nabuntis o nakabuntis eh malalamang nagshift pala ng course. Kaya ayun SUMA sa koliheyo…SUMA-sampong taon na sap ag-aaral di pa din tapos! Nakakalungkot mang isipin, pero yun talaga ang masakit at mahirap tanggapin! “The truth hurts” ika nga. Pero di pa din naman sila napapagod at nagsasawang tumulong. Pero sana man lang no, nakakapagtira pa din sila para sa sarili para pag-uwi nila eh may madudukot din sila o kapag ka nawalan na ng work abroad at pinauwi na sila eh may maaasahan silang ipon.

Advertisement

According to Mr. Francisco J. Colayco in his Pera Mo, Palaguin Mothere are many ways to save money. One of this is the Pareto technique or the 20/80 technique. Wherein 20% of your income will go to your savings account and the 80% will be your budget for yourself and for your kawang-gawa project, kasama na dito yung mga padala o ibibigay mo sa mga naiwan mong mahal sa buhay sa Pinas.  And when time comes na mapauwi na at least di ka pa rin pilay bes!

Disclaimer:

To all the readers of this website Thebrightinvestor.com, please read carefully and understand this disclaimer before you use or implement all the contents found here. Some of the posts are risky to use if you are a beginner.

All the post and contents of this website Thebrightinvestor.com is for public information only, however we cannot guarantee the accuracy, completeness, or the assurance that will work for you if you implement some of the tutorials posted on this website. We are working to the best of our skills to make this website updated and working, but due to the fact that every seconds there some updates taking place on the World Wide Web it’s out of our control if some of the contents here will not work. Read More....

Related Articles